Friday, May 30, 2008

Dahil kay Cosme...

1. Dahil kay Cosme, wala kaming kuryente sa aming munting apartment which means NO internet, less blogging activities or, in short, inactive cyberlife (or whatever you call it). I'm typing this whole crap in an internet shop. 88.20P na ang current balance ko as of this time. Ugh.

2. Dahil kay Cosme, hindi ko naannounce ang aking birthday nung May 24. Hindi ko kayo nasabihan na batiin nio ako :( Hindi ko din nabasa ang mga birthday greetings ko sa Friendster and Multiply. Thank you pala sa mga bumati :)

At hindi ko rin nabati si Ate Chesca 2 days after. May 26 kasi yung birthday nia. Belated Happy Birthday, Ate Chesca!

3. Dahil kay Cosme, hindi ko naibalita sainyo na tapos ko na ang Twilight and New Moon. Grabe, ang sarap pala talaga ng feeling nang may natatapos kang something noh? Fulfilling ang feeling. As usual and as always, out-of-stock na naman ang Eclipse dito sa National Book Store, Dagupan kaya nabitin ang pagbabasa ko. INUTIL. Grrr. How I wish na sana may Powerbooks din dito. Anyway, dahil dun, I settled reading Tuesdays with Morrie instead. I haven't finished it yet kaya next time nalang ang aking reactions and whatnots :)

Btw, speaking of books, here's the list of the other books that I would like to read next: (At kelan pa ako naging bookworm?!)

Note: Of course, I know that I may not be able to read all of these in a nick of time considering my anticipated-almost-impossible 3rd year life schedule as a nursing student PERO I'll try to prove myself that I can have a life outside the hospital and school. Sabi nga nila, "All work and no play makes a boy dull". Ganun ba yun? Ah basta something like that! Hehe.

Pagbigyan nio na ako, frustrated reader eh, diba?

*The Notebook by Nicholas Sparks
*To Kill a Mockingbird by Harper Lee
*Pride and Prejudice by Jane Austen
*Sense and Sensibility by Jane Austen (I already have this one)
*Secret by Rhonda Byrne
*The Five People You Meet in Heaven by Mitch Albom
*My Young Blood book compilation :) (I have this one na din)

Any worth reading books na gusto niong isuggest? Share it naman oh :)

Help me live life to the fullest! LOL :>

4. Dahil kay Cosme, may chance pang maging mas lalong productive ang summer vacation ko. Aba, mahaba-haba din pala ang bakasyon ko kung tutuusin ah. Ang bait naman talaga ni Lord noh?

5. Dahil kay Cosme, sa June 10 (yehey!) or June 16 (wow!) or June 23 (whaaaaa!!!) pa ang pasok namin. That seems to be a good news, I guess. Good news for me in a sense na matatapos ko pa ang Eclipse before pasukan and marami pang time para magreflect sa buhay (naks) at maghanda para sa pasukan: physically, emotionally and spiritually.

6. Dahil sayo Cosme, hindi na ako natigil sa kakaisip kay Edward. Sa gabi, dahil walang kuryente at walang magawa, iniisip ko siya... :(

7. Dahil kay Cosme, madaming mga poste ng kuryente at mga puno natumba, maraming mga tao ang nawalan ng tirahan dahil nasira ang kanilang mga bahay at natanggal ang kanilang mga bubong.

Cosme, oh, Cosme! Anong ba tong ginawa mo?

Yun lang. Hehe. 105.42P na ang balance ko as of 8:43 p.m. Haha. Bye for now guys :) I'll be back soon! Please pray na magkakuryente na kami at matagal pa sana ang pasukan. Heehee.

P.S. Babalik na si Cindy :)

PPS. To end this, let me share to you something I treasure deep in my heart...my family. Here's our family picture :)

My family. It's where my heart belongs. LOL.

Astig. Hehe.

Perfection.

13 comments:

Anonymous said...

Grabe naman ung bagyong Cosme na un. Leche siya! Haha

Alam ko ginrit na kita dati, pero iggrit kita ulit: Belated happy birthday! :)

Nabasa ko na ung The Notebook & Five People You Meet in Heaven. Parehong maganda! :D

Anonymous said...

APPLE!!! Belated Happy Birthday!

Diba? diba? diba? twilight is just the best book ever!!! you have to read eclipse! super kikiligin ka to the max na lalo mong iisipin si EDWARD! OMG talaga! haha!

Gotta read, Five People you meet in Heaven and the Notebook. Very Nice! Try reading bob Ong's books also. Lots of lessons. :D

jemimah said...

apple!

ang productive ng summer mo dahil ky cosme ah. buti ka pa, wala akong nabasa na book ni isa, kasi pag-araw tumatambay ako sa clinic ni father dear kasi dun my kuryente at internet. pag-gabi nagmuni muni atg nakatanga lng. hehehe

belated nga pala, sa tagboard lng ako naka-greet sayo. hanapin mo na lng dun. hehehe

Challenging yang 3rd year, pero i think its the best year sa nursing! wheee! sabihan mo lng ako pagkelangan mo ng tulong sa nursing stuffs! :D

after reading The Notebook, basahin mo yung The Wedding, parang sequel nya yun. mas-naganda ako sa the wedding kaysa sa the notebook. it's one of my fave books!

.. at sana magkarun na kayo ng kuryente! madami pa atang parts ng dagupan ang wala pa e! huhuhu

ang bait ni cosme.. NOT! :D

nicoleyy said...

Cosme ba yung name nung bagyo jan sa pinas now? Ang mahal naman ng bayad mo sa internt connection mo :P ganyan na ba kamahal sa pinas? hehe! i love yur blog. bago lang ako. im a sculm8 of cindy sa pinas, nainggit ako kay bru, kaya ng gawa na din ako! haha. :) kso la wenta yung akin,bgo palang ako eh, & wlang kamuang muang dito sa blogger spot lol! newi. yun lang. hihi!
pls link me, bka gaganda din yung page ko. balang araw.. in ten gazzillion yrs! :]

Dakilang Tambay said...

si cosme pala ang dahilan.. hehe :)

happy birthday sissy! :)

Anonymous said...

Apple! :) Yey! You're reading narin! Great hobby diba! :)

Anonymous said...

Belated happy birthday! :) whew, tgal na ko d nag OL hehe.. ^^,
Buti d ka ntatamad magbasa, me ksi after reading 5 pages ayoko na hahaha! =))

Anonymous said...

Saya magbasa noh. At grabe naman si Cosme, hehehe.

IMY.

Anonymous said...

hirap ng di connected sa net no?

hayz.. gus2 ko din niang mga books. wish i could trade mine! pero mga light stories lang eh. more on fictions. kinukumpleto ko now eh ung approved ng cosmopolitan, summitmedia books tsaka ung knocked out with my nunga nunga, ung mga books nung author nun

try reading ME vs. ME and Sam's letters to Jennifer. Got that from BookSale. (para tipid. haha..) I had an ebook of tuesday's with morrie, hanggang ngaun nasa EMAIL ko pa. gusto mo?

new post on my site.! feel free to make comments ha!

Anonymous said...

napadalaw lang sis..
hihihi.
mmmm. books?
gospel of judas.
try it.
hihi.

btw, belated happy bday!

Diane said...

Oh, Belated Happy Birthday Apple! :)

Si Cosme talaga oh. Hahaha.

I've read To kill a mocking bird, five people you meet in heaven tsaka Tuesdays with Morrie :) Hahaha. Good books.ΓΌ

I've heard of Twilight from mg friends and blockmates. Hmmm. Mukhang interesting. :)

Sara Monica Soriano said...

uy Belated Happy Birthday! Better late than never! hehe..

Francesca said...

hehe, resbakan si cosme! belated happy birthday sis! :)