Saturday, February 2, 2008

The MYMP Experience

Woohoo! Grabe mga friends kakagaling ko lang nanood ng concert ng MYMP sa Astrodome. Kakauwi ko nga lang ngayon kasi around 12 na natapos ang concert.
Hahaha. At talagang hindi na ako makapaghintay na ikwento noh? Inaantok na ako pero gusto ko nang ikwento ngayon habang its fresh pa sa mind ko. Baka mawala sa memories ko. Hehe. Tsaka parang news reporting kasi yan eh: serve it while it's still hot :D
Weew! It was a blast mga dude! Super kaduper ENJOY talaga. Sulit na sulit ang 200P na entrance fee :p I will never regret na nanood ako ng concert kesa magtype para sa research paper namin. Lol. Hmmp. Bukas na yun. I mean, mamaya. Umaga na pala. Haha. Sorry :D
Ano kasi, 1-time experience lang to mga dude. Malay mo, diba? Baka di na sila magconcert ulit dito sa Dagupan. Haha. (Ang OA ko naman) 1st time ko din palang manood ng concert kaya sobrang excited ang lola mo! Pramis! As in ngayon lang talaga.
KJ much? Not much. Haha. Ang totoo nga nyan, I'm an outgoing type of person, yung tipong always on the go pero pag mga rock bands and the like, nagpapass ako kasi parang nakakatamad. I mean, duh. Ayoko talaga...kahit ilibre mo pa ako. Lol. I told myself kasi na if it's not MYMP, di bale nalang. I swear. Matutulog nalang ako. Haha. I have never liked to watch such concerts not unless it's MYMP. Yeah boi! Maka-MYMP talaga ako forever eversince they're starting palang, since nung pinakauna nilang song, "A Little Bit" hanggang ngayon na sikat na sikat na sila.
I'm with Shine pala kanina with her family. Yup, naki-join ako sa kanila since tinatamad daw si ate. Haha. Alam nyo, ang KEWL talaga ng parents ni Shine kasi game na game pa silang manood ng concert kasama ng mga anak nila. Aww.. So sweet :) Nakakainggit talaga ang family ni Shine.
So yun, mga front act muna bago ang MYMP. 3 bands lahat before the main event. Unang nagperform ang Noodles, yung band ni Kuya Renz (naks naman ang "Crazy for you") then yung Fragile, band nila Kuya Oti, Associate Editor ng Ulnos na hindi ko kinaya ang rocker mode ever! Lol. Parang hindi lang kasi ako sanay :p Haha. And yung last band, I forgot the name pero what I can remember is that agaw-eksena ang performance nila kanina. Haha. Medyo scary and weird sila eh. May sumulpot pang mga mukhang gangsta (whatever) out of the blue. Tawang-tawa kami ni Shine kung alam nyo lang. Hahaha.
Edit: Impro band daw yung name ng last band according to Kuya Renz and I knew it! Nakadrugs nga daw ang mga loko :p Sheesh.
Sa monday na ang mga pics kasi low-bat ang digicam ko kaya andun lahat ng mga pics kay Shine. Darn it! Asar ako. Nadala ko nga yung cam, hindi ko rin naman nagamit. So stupid ko kasi, nakalimutan kong palitan ng battery. Tck tck. Kung kelan may mga important occasions or what dun naman walang battery or nakalimutan ang memory card. Kamusta naman yun diba? For the second time around na to ah. Sigh. Sigh. Sigh. I told you, malas ako this week :p
Lesson for the day: always check the battery and memory card of your digicam.
Whaaa! Grabe mga friends! Ang galing-galing talaga ni Juris, I swear! I love her and her voice to the nth power! Fan girl much? Oo naman and I wouldn't deny that :p Hayyy.. Kung ganon lang sana ang boses ko kay Juris.. Hehe. Dream on! Grabe, it's just Juris's angelic voice that can make goosebumps all over my body. (Tama ba yung pagkasabi ko? Ah bahala na. Heehee) Amazing talaga, pramis :D
We didn't had the chance na makapagtake ng picture with her. Kuya Renz did. Inggit akooo! Andami kasing mga marshalls. Pero kahit na, I had the chance to see her naman face-to-face. Bheh :p I can't believe I saw her that close, as in really close. As in nasa harap ko na siya. We took lots of pictures while she's performing at meron ding super close up. Watch out for the pics soon :)
Here's more: nahawakan ko yung hands ni Jurisss! Pwede na akong mamatay. Hahaha. Fan na fan ang dating. Yuck. Lol.
Hoy Shine naaasar ako sayo! Ikaw lang ang may evidence na nakapag-shake hands ka kay Juris! I haaaatte you!!! Hehe.
Well anyway, yun lang naman so far. To sum up, I LOVE MYMP, I LOVE JURIS and super nagenjoy ako kanina. NakakaStarstruck :) Talk about the MYMP syndrome, I can't stop singing MYMP songs inside my mind. Haha.
PS. Edited na po to kasi inaantok na talaga ako kagabi kaya ngayon ko palang talaga nabasa yung mga pinagsusulat ko :p
Good morning to everyone!!!

4 comments:

cindydanda said...

omg mymp! i looooove =D inggit ako. P200 lang? gusto ko rin =( ang pics ang pics dun forget! =D

jemimah said...

hey! here's what u do with the twitter thing..

Send REG USERNAME PASSWORD to 09293632359

then once registered..

send Twit yourmessage
to the same number.

di ka na makarecieve ng confirmation eh. but it really works.. tried it kanina..

Anonymous said...

i have an award for you.. just grab it from my blog.. cheers

Ishna Probinsyana said...

i love mymp! Juris' voice is so maganda. parang sa baby. heehee. sarap pakinggan! :)